Biden nanawagan ng unity sa State of the Union speech

Biden nanawagan ng unity sa State of the Union speech

February 8, 2023 @ 1:52 PM 2 months ago


UNITED STATES – Isa ang pagkakaisa o unity sa mga binanggit ni United States President Joe Biden sa kanyang State of the Union Speech nitong Martes, Pebrero 7.

Ibinida ni Biden ang aniya ay “unbroken” democracy at ekonomiya ng bansa.

“Today, though bruised, our democracy remains unbowed and unbroken,” anang Pangulo.

Ani Biden, kabilang sa kanyang economic plan ay ang pagbibigay ng mas maraming trabaho para sa mga Amerikano sa pamamagitan ng pagbuo ng manufacturing base ng bansa sa kabila ng pressure dulot ng giyera sa Ukraine at pagkaantala dahil sa pandemya.

“We’re better positioned than any country on Earth right now,” aniya.

For decades, “manufacturing jobs moved overseas, factories closed down,” dagdag pa ng US president.

“Jobs are coming back. Pride is coming back. This is my view of a blue-collar blueprint to rebuild America.”

Isa pa sa inilatag ni Biden ay ang nais niyang “billionaire tax” na naglalayon na “reward work, not just wealth.”

Pinatutsadahan din niya ang mga malalaking kompanya ng langis sa pagkamkam ng sobra-sobrang kita.

“I ran for president to fundamentally change things to make sure our economy works for everyone, so we can all feel that pride,” ani Biden.

Kasabay din ng pagkakahati-hati sa politika, nanawagan si Biden sa Republicans na siyang may hawak ng malaking bahagi ngayon ng
House of Representatives na magkaisa o unity — lalo pa’t inaakusahan siya ng iba sa kanila na hino-hostage nito ang ekonomiya ng US dahil sa matinding utang.

Mayroong namumuong krisis ngayon sa Kongreso sa pagtanggi ng Republican na i-extend ang debt limit.

Dahil dito, nagbabala si Biden na magkakaroon ng financial crisis kung mananatiling nagmamatigas ang mga Republican.

“Fighting for the sake of fighting, power for the sake of power, conflict for the sake of conflict, gets us nowhere. And that’s always been my vision for the country: to restore the soul of the nation,” ani Biden. RNT/JGC