Biden nangakong bibista sa Pilipinas-Sandro

Biden nangakong bibista sa Pilipinas-Sandro

October 11, 2022 @ 10:16 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inihayag ni Ilocos Norte Representative Sandro Marcos na nangako si United States President Joe Biden na hahanap ito ng oras para makabisita sa Pilipinas.

Ayon kay Marcos sa maikling pagkikita nya sa mga world leaders kasabay ng pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos sa US ay maraming investors ang nagkainteres sa Pilipinas at kasabay nito ay nagpaabot din sila ng imbitasyon sa mga world leaders na bumisita sa bansa.

“Si French President Emmanuel Macron, inimbita namin Si Biden noong nagkita kami inimbita din namin. Hopefully, pinangako ni President Biden na hahanap siya ng oras para makapunta dito sa Pilipinas”pahayag ni Marcos.

Sina Pangulong Marcos Jr at si Presidente Bident ay nagkaroon ng high-profile bilateral meeting sa katatapos na 77th United Nations General Assembly (UNGA) saNew York City.

Aniya, naging malaking pagkakataon ang state vits sa US dahil ilang investors ang nagkainteres maging sa Ilocos.

“So hopefully magagamit natin yan, hopefully pwede natin kausapin para magdala ng mas marami pang investment dito”dagdag pa ni Marcos.

Sinabi nito na infrastructure ang syang nais ng mga investors na malaking oportunidad sa bansa.

“Maraming mga company na lumalapit for infra, mainly renewable energy. Off-shore wind energy is looking like it has big potential dito sa Ilocos, so yan talaga ang tinitignan natin” pagtatapos pa nito. Gail Mendoza