Biden nasa Bali na para sa G20, Xi summit

Biden nasa Bali na para sa G20, Xi summit

November 14, 2022 @ 9:06 AM 3 weeks ago


NUSA DUA, Indonesia — Dumating na si US President Joe Biden sa Bali, Indonesia nitong Linggo para sa summit ng 20 largest economies ng mundo at high-stakes meeting kasama si Chinese leader Xi Jinping.

Inihayag ng US leader na inaasahang makapagtatakda ng “red lines” sa relasyon ng Washington sa Beijing sa una niyang face-to-face talks nilang presidente kay Xi.

Magaganap ang sit-down ng superpower sa sidelines ng G20 summit mula Lunes, ang pinakamalaking pagtitipon ng grupo mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic.

“I know Xi Jinping, he knows me,” aniya sa Phnom Penh kung saan nakaharap niya ang Asian leaders bago magtungo sa Indonesian resort island ng Bali.

“We have very little misunderstanding. We just got to figure out what the red lines are,” ani Biden.

Umaasi si Biden “to come out of this meeting with areas where the two countries and the two presidents and their teams can work cooperatively on substantive issues,” ayon kay National Security Advisor Jake Sullivan. RNT/SA