Biden, Xi nagpulong

Biden, Xi nagpulong

November 15, 2022 @ 10:48 AM 2 weeks ago


NUSA DUA, Indonesia — Sinabi ni US President Joe Biden nitong Lunes kay Chinese counterpart Xi Jinping na pareho silang responsable sa pagpigil na mauwi sa away ang superpower competition, sa kanilang pagpupulong sa gitna ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Bago ang una nilang in-person talks mula nang maluklok ba presidente si Biden, nangngitian at kinamayan nila ang isa’t isa sa harap ng kanilang national flags sa isang luxury hotel sa Bali, Indonesia, isang araw bago ang Group of 20 (G20) summit na inaasahang mababalot ng tensyon dahil sa pagsakop ng Russia sa Ukraine.

“It’s just great to see you,” sabi ni Biden kay Xi, at inakbayan ito, bago ang pulong na tumagal ng mahigit tatlong oras.

Subalit, binanggit ni Biden ang ilang mabibigat na paksa sa three-hour meeting, ayon sa White House readout, kabilang ang pagsita ng US sa “coercive and increasingly aggressive actions toward Taiwan,” at “non-market economic practices,” ng Beijing at aksyon sa “Xinjiang, Tibet, and Hong Kong, and human rights more broadly.”

“As the leaders of our two nations, we share responsibility, in my view, to show that China and the United States can manage our differences, prevent competition from turning into conflict, and to find ways to work together on urgent global issues that require our mutual cooperation,” pahayag ni Biden.

Tutungo si US Secretary of State Tony Blinken para sa follow up ng diskusyon, ayon sa White House.

Bilang tugon kay Biden, sinabi ni Xi na ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa ay nakalinya sa global expectations.

“So we need to chart the right course for the China-US relationship. We need to find the right direction for the bilateral relationship going forward and elevate the relationship,” giit ni Xi.

“The world expects that China and the United States will properly handle the relationship,” dagdag niya. RNT/SA