Big ticket projects ni Duterte, itutuloy sa 2023 national budget – Angara

Big ticket projects ni Duterte, itutuloy sa 2023 national budget – Angara

November 9, 2022 @ 9:04 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ni Senador Sonny Angara na itutuloy ang lahat ng big ticket programs at proyekto ni dating Pangulong Duterte sa pamamagitan ng panukalang pambansang badyet sa 2023 sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Sa kanyang sponsorship speech ng House Bill No. 4488 o ang General Appropriations Bill, sinabi ni Angara, chairman ng Senate committee on finance na kinabibilangan ang P5.2 trilyong badyet ng P1.5979 trilyon bilang automatic appropriations habang P4. 259 trilyon naman ang programmed new appropriations na nagkakahalagang P3.671 trilyon at P588 bilyon para sa unprogrammed funds.

“Mababatid na, bagama’t may bagong administrasyon, karamihan sa malalaking programa at proyekto ng nakaraang gobyerno ay tatakbo pa rin. Hudyat ito na kahit na nagkaroon ng palitan ng may hawak ng poder, walang-tigil ang trabaho ng gobyerno para i-angat ang antas at kalidad ng buhay ng bawat mamayang Pilipino, ayon kay Angara.

Aniya, ginawa ng komite ang lahat ng makakaya nito upang maityak na bawat item sa panukalang 203 national budget ay nakasunod sa Medium Term Fiscal Framework (MTFF) ng administrasyon.

“Realizing the agenda for prosperity that the Executive has proposed demands that we are cognizant of these challenges and more. Only when we recognize that these systemic difficulties need nothing less than a whole-of-nation approach will be able to achieve any headway,” aniya.

Sinabi ni Angara na hindi dapat isipin na ang national budget ay isang simpleng spreadsheet o listahan ng numero.

“The conventional way of introducing the national budget is to trot out its macroeconomic assumptions, upon which expenditures are anchored. GDP growth, forecast oil prices, inflation, peso-dollar exchange, interest rates do shape the contours of the budget. But, in my years of defending the budget, I have come to distill the other fundamentals that shape and substantiate annual appropriations,” paliwanag niya.

Binanggit ng mambabatas ang populasyon, presyo, proyekto at pasahod bilang pangunahing salik na naging bahagi ng malaking impact sa panukalang badget habang inaatasan tutugunan ang epekto ng pandemya ng COVID-19, giyera sa Ukraine at paghahanda laban sa kalamidad.

“Pursigido dapat tayo sa pag-implimenta ng mga reporma. Kaya mahalaga na sa simula pa lamang, nagkaisa na tayo sa unang ipinakitang plano ng administrasyong Marcos,” ani Angara.

Nagpahayag ng sariling manipestasyon sina Senador Loren Legarda, Pia Cayetano, at Christopher Lawrence Go na maging co-sponsor ng panukala.

Magsisimula ang deliberasyon ng badyet sa Miyerkoles upang tumanggap ang komite ng susog kaya inaasahang maaprubahan ang panukala sa Nobyembre 21.

Kapag naaprubahan kaagad, saka magpupulong ang Bicameral Conference Committee upang ayusin ang nagkakasalungat na probisyon sa parehong GAB ng Mababang Kapulungan at Senado at tinutudlang raratipikahan ang report sa December 5. Ernie Reyes