Big-time hike sa presyo ng LPG posible sa Pebrero

Big-time hike sa presyo ng LPG posible sa Pebrero

January 29, 2023 @ 8:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nahaharap na sa banta ng big-time price hike ang mga gumagamit ng liquefied petroleum gas (LPG) products sa pagsisimula ng Pebrero.

Ayon sa ulat, posible kasing madagdagan ng P8 kada kilo sa susunod na linggo ang presyo ng LPG.

Sa huling price monitoring ng Department of Energy sa Metro Manila, ang 11-kilogram na tanke ng LPG ay nagkakahalaga ng P824 hanggang P990, ang 5-kilogram tank ay P409 hanggang P510 at ang 2.7 kilogram tank ay nasa P190 hanggang P300.

Maliban dito, inaasahan din ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo na hudyat ng ikatlong sunod na linggo ng price increase sa taong ito.

Sa oil trading sa nakalipas na limang araw o mula Enero 23 hanggang 27, posible ang P0.60 hanggang P0.80 na taas-presyo sa kada litro ng diesel habang P1.20 hanggang P1.40 kada litro naman sa presyo ng gasolina. RNT/JGC