Big-time price hike sa produktong petrolyo asahan

Big-time price hike sa produktong petrolyo asahan

January 16, 2022 @ 3:00 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Masamang balita sa mga motorista dahil may inaasahan na namang malakihang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ipatutupad ng mga kompanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Nabatid sa industriya ng petrolyo sa bansa, aabutin ng P2.10 hanggang P2.20 ang dagdag presyo sa kada litro ng kerosene, P0.85 hanggang P1 naman sa kada litro ng gasolina, at P1.70 hanggang P1.80 sa kada litro ng diesel.

Ito na ang ikatlong sunod na linggo na may pagtaas sa presyo ng langis ngayong pagpasok ng taon 2022.

Inginuso naman ng taga-industriya ang dahilan ng pagtaas ng presyo sa pagkahigpit ng supply at may pagtaas sa demand ng mga nasabing produktong petrolyo kahit may banta pa umano ng omicron variant. JAY Reyes