Big-time tax cheaters hahabulin ng BIR

Big-time tax cheaters hahabulin ng BIR

October 2, 2022 @ 3:18 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bumuo ng isang special task force ang Bureau of Internal Revenue upang habulin ang mga big-time tax cheaters at mga namumuhay sa tinatawag na ‘underground economy.’

Ito ay ang mga malalaking negosyo o indibidwal na nagtatago o namemeke ng mga dokumento na pawang mula umano sa mga gasoline at cigarettes smuggles na gumagamit ng pekeng revenue stamps para makaligtas sa pagbabayad ng excise tax.

Ang special task force ay binuo ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Lilia Catris Guillermo at tinawag na “BIR Strike Group” na pamumunuan ni Revenue Deputy Commissioner for Operations Romeo D. Lumague, Jr.

Sa nabanggit na grupo, magkakaroon ng dalawang team na tututok sa mga taxpayers sa ilalim ng large taxpayers service (LTS) at mga taxpayers sa kanilang mga regional offices.

“The task force shall provide for the immediate imposition of penalties and sanctions to stop illegal activities,” ani Guillermo.

Ipinaalala rin nito ang Revenue Memorandum Order No. 40-2022 o ang pagsasagawa ng:
“enforcement activities, forfeiture and prosecution of cases related to unlicensed production, importation and distribution of products subject to excise tax.”

Binuo ang naturang task force upang mapaigting ang pagbabayad ng buwis ng mga mamamayan at maiwasan ang mga nagtatago, namemeke at nagpapanggap para makaiwas dito. RNT/JGC