Big time tulak arestado sa P3.5M shabu

Big time tulak arestado sa P3.5M shabu

February 22, 2022 @ 4:19 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Nadakip nang pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) ang isang bigtime na tulak matapos na kumagat sa buy-bust operation kagabi sa nasabing lungsod.


Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang nadakip na si Muslimin Mantil 28 anyos, residente ng Poblacion Talitay Maguindanao.

Base sa ulat, pasado 10:15 ng gabi (February 21) nang ikasa ang drug operation sa 612 kahabaan ng Quirino Highway Brgy. Bagbag, Q.C.

Isang ahente ng PDEA ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na inaresto ang suspek.

Lumalabas na halos tatlong linggo rin na minanmanan ng mga atoridad ang illegal na aktibidades ni Mantil bago ikasa ang buy-bust operation.

Alibi ng suspek na inutusan lamang siya kapalit ng limangdaang piso subalit inamin naman nito na alam naman niya raw na shabu ang nakasilid sa dala-dala niyang paper bag.

Nakumpiska mula kay Mantil ang 550 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 3,500,000 gayundin ang buy-bust money.

Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 no ang Dangerous Drug Act of 2002. Jan Sinocruz