Biglang pagputok ng baril sa MPD iniimbestigahan na

Biglang pagputok ng baril sa MPD iniimbestigahan na

February 12, 2021 @ 4:37 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District ang hindi sinasadyang pagputok ng baril ng isang tauhan ng MPD-Anti carnapping Unit sa loob mismo ng MPD headquarters kaninang umaga.

Ayon sa MPD-General Assignment Section, inilipat ang pag-iimbestiga  kay PCPL Rodolfo Fajardo sa MPD-Ancar  sa MPD-ANCAR.

Si Fajardo ay nakatalaga sa MPD-ANCAR at kasalukuyan siyang nasa kanilang opisina nang mangyari ang  accidental firing o hindi sinasadyang pagputok ng kanyang baril alas 10:15 ng umaga.

Sa panayam naman kay MPD Director Brig.General Leo Francisco, pinadis-armahan na niya si Fajardo habang isinasagawa ang imbestigasyon laban sa kanya.

Napag-alaman na nakaupo naman si Aling Lourdes sa isang bangko na nakalagay  labas o  tapat ng Theft and Robbery Section nang dumaan sa kanyang noo ang bala.

Maswerte naman ito na hindi ang kanyang ulo mismo tumagos ang bala mula sab aril ni Fajardo.

Tumagos umano ang bala mula sa dingding ng MPD-ANCAR  sa dingding ng opisina ng Theft and Robbery Section kung saan nabasag ang mga salamin ay nahulogan din ng bubog sa ulo ang ginang.

Si aling Lourdes ay nakatakda umano sanang bumisita sa kanyang kamag-anak na nakakulong sa Homicide Section nang mangyari ang insidente.

Sa ngayon ay tikom pa ang bibig ng mga imbestigador sa MPD-ANCAR. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)


  •  
  •  
  •