Bigong federalism bid isinisi ni Digong sa Kongreso; mapayapang paglipat ipinangako

Bigong federalism bid isinisi ni Digong sa Kongreso; mapayapang paglipat ipinangako

December 11, 2021 @ 9:54 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Binatikos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Kongreso dahil sa kakulangan ng suporta mula rito para maisakatuparan ang kanyang campaign promise na makapagtatag ng federal system of government, ilang buwan bago pa magtapos ang kanyang termino.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa democracy summit kung saan nagsilbing host si US President Joe Biden, sinabi nito na ang kanyang federalism project ay naglalayong “broaden democratic participation” sa bansa.

“My government also sought to broaden democratic participation through federalism but my constitutional project did not get Congress support. So be it. I respect the separation of powers [that is] vital for democracy,” ayon sa Pangulo.

“The work of our imperfect democracy will certainly continue,” dagdag na pahayag nito.

Batid naman ng lahat na isinusulong ni Pangulong Duterte na mag-shift sa federal form of government bilang paraan para matugunan ang “economic and power imbalances.”

Gayunman, humina ang kanyang panukala sa Kongreso kahit pa “dominated” ito ng kanyang mga kaalyado.

Samantala, inakusahan naman ng mga kontra sa Charter change si Pangulong Duterte na panghihikayat na amiyendahan ito para mapanatili ang kanyang kapangyarihan, ang alegasyon na makailang ulit nang itinanggi ng Malakanyang, sa katuwirang hindi kailanman hinangad ng Pangulo na i-extend ang kanyang six-year term, na magtatapos sa Hunyo 2022.

Sa naging talumpati pa rin ng Pangulo, ipinangako nito ang “free and credible elections” sa May 9, 2022.

“It will be my highest honor to turn over the reins of power to my successor knowing that in the exercise of my mandate I did my best to serve the Filipino nation,” ayon sa Chief Executive.

Aniya pa, ilalaan niya ang natitirang limang buwan ng kanyang termino para sa reporma “ensuring that no one is left behind as my country recovers from the pandemic.”

“We have made significant headways especially in economic expansion but COVID-19 struck and reversed many of our hard-earned gains,” lahad nito.

Ani Pangulong Duterte, ipinagmamalaki niyang bahagi siya ng summit at naibahagi njya ang “Philippine experience”sa natitirang lugar sa mundo.

“Today, we have a vibrant democracy, and an open and diverse society. Freedom of expression and of the press are fully enjoyed and the regular transfer of power is guaranteed through free and honest elections,” ayon sa Punong Ehekutibo.

“Philippine democracy is indeed a work in progress. But the Filipino is free. The Philippines is free.” Kris Jose