‘Bigtime’ drug trafficker, arestado

‘Bigtime’ drug trafficker, arestado

February 25, 2023 @ 4:00 PM 4 weeks ago


LAGUNA- Arestado ang isang “bigtime” illegal drug trafficker at nakuhanan ng P1.5 milyong halaga ng shabu sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad kahapon sa Cabuyao City.

Sa bisa ng search warrant ng mga operatiba anti-narcotics, dakong alas-12:32 ng hapon nadakip sa kanyang bahay sa Barangay Marinig ang suspek na kinilalang si Virgilio Amacan Jr., na nasa drug watch list.

Nakuha sa suspek ang 10 plastic sachets ng shabu at plastic container na naglalaman din ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 250 gramo at aabot sa tinatayang halaga na P1,500,00o.

Nakuha rin sa suspek ang timbangan at mga shabu-sniffing paraphernalia.

Nagpapatuloy ngayon ang isinagawang pagsisiyasat ng pulisya para alamin ng kung saan kinukuha ng suspek ang kanyang shabu.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. Mary Anne Sapico