Bigtime oil price hike aarangkada bago mag-Pasko!

Bigtime oil price hike aarangkada bago mag-Pasko!

December 18, 2022 @ 8:39 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Bago mag-Pasko, magkakaroon ng bigtime oil price hike na ipatutupad sa Martes, Disyembre 20.

Sisirit sa hanggang P2.10 hanggang P2.40 ang presyo ng diesel kada litro.

Ito na ang kauna-unahang pagtaas ng produktong petrolyo matapos ang walong beses na naranasang rollback.

Sa nasabing panahon, umabot sa P3.40 kada litro ang ibinaba ng diesel, ayon sa oil monitoring ng Department of Energy.

Sa diesel, nakatakdang tumaas sa hindi bababa sa P2.10

Samantala, sisirit din ang presyo ng kerosene sa P1.60 hanggang P1.90 kada litro.

Ang presyo ng gasolina naman ay magkakaroon ng P0.40 hanggang P0.70 sirit-presyo kada litro. RNT