Bigtime oil price hike gumulong na

Bigtime oil price hike gumulong na

January 3, 2023 @ 11:16 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Epektibo na ngayong Martes, Enero 3 ang bungad na oil price hike sa pagsalubong ng 2023.

Ayon sa advisories mula sa Petron, Seaoil, Petro Gazz, PTT Philippines, Flying V, Cleanfuel, Caltex, Phoenix Petroleum Philippines, at Unioil, ipinatupad nila ang taas-presyo ng gasolina na ₱2.90, diesel sa ₱2.10, epektibo nitong alas-sais ng umaga.

Sinabi rin ng Petron, Flying V, Seaoil, at Caltex na nagpatupad sila ng sirit-presyo sa kerosene ng ₱3.05.

Sinabi ng Department of Energy na ang net year-to-date na pagtaas ng presyo noong 2022 ay nasa ₱14.90/litro para sa gasolina, ₱27.30/litro para sa diesel, at ₱21.30/litro para sa kerosene. RNT