Bigtime oil price hike kasado bukas!

Bigtime oil price hike kasado bukas!

August 29, 2022 @ 11:47 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Matapos ang ilang linggong oil price rollback, tila bumabawi na ang mga kompanya ng langis sa bansa dahil sa muling pagpapatupad ng malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo epektibo bukas.

Sa inilabas na abiso ng mga kompanya ng langis na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum magpapatupad sila ng malakihang dagdag presyo na P1.40 sa kada litro ng gasolina at P6.10 sa kada litro ng diesel at kerosene epektibo alas-6 ng umaga.

May big time oil price hike sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) epektibo alas-12:01 ng madaling araw habang ang kompanyang Cleanfuel ay epektibo alas-8:01 ng umaga.

Ang ipinatupad na malakihang dagdag presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ang mga kompanya ng langis sa bansa ng dagdag presyo na P0.70 sa kada litro ng gasolina, P2.60 sa kada litro ng diesel at P2.80 sa kada litro ng diesel. JAY Reyes