Bigtime rollback, ipatutupad na sa Martes

Bigtime rollback, ipatutupad na sa Martes

July 23, 2018 @ 5:11 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Ipatutupad na ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Martes (July 24) ayon sa mga kompanya ng langis.

Sa magkahiwalay na anunsyo, inihayag ng SEAOIL Philippines Inc., Chevron Philippines Inc. (Caltex), at Pilipinas Shell Petroleum Corp., ngayong Lunes (July 23) na magkakaroon ng P0.70 per liter rollback sa presyo ng gasolina, P1,00 sa diesel, at P1.25 naman sa kerosene.

Ipatutupad din ng Petro Gazz, PTT Philippines Corp., Unioil Petroleum Philippines Inc., at Phoenix Petroleum Philippines Inc. ang rollback na nabanggit maliban sa kerosene.

Nakatakdang ipatupad ng SEAOIL ang pagbabawas ng presyo alas-12:01 ng umaga bukas, July 24 habang alas-6 naman magpapatupad ng rollback ang ibang kompanya.

Samantala, ang Unioil naman ay nauna nang magpatupad ng rollback ganap na alas-2 ng hapon ngayong Lunes. (Remate News Team)