Bigtime rollback sa diesel, kerosene aarangkada sa Martes

Bigtime rollback sa diesel, kerosene aarangkada sa Martes

May 14, 2022 @ 11:43 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Good news sa mga motorista!

May aasahan na ulit na bigtime rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Martes.

Batay sa pagtaya ng oil industry, maglalaro sa P3.10 hanggang P3.30 ang magiging tapyas sa kada litro ng diesel.

May bawas-presyo rin sa gasolina na P0.50 hanggang P0.75 kada litro habang P2.10 hanggang P2.30 naman sa kerosene.

Sa mga susunod na araw, inaasahang mag-aanunsyo ng kani-kanilang oil price adjustment ang mga kumpanya ng langis. RNT/ JCM