Bigtime rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, asahan sa Martes

Bigtime rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, asahan sa Martes

July 21, 2018 @ 10:58 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Bigtime rollback sa  presyo ng mga produktong petrolyo ang aasahan sa susunod na Linggo.

Papalo ang bawas sa kada litro ng diesel sa P1.18 habang nasa P1.16 naman ang mababawas sa presyo ng gasolina.

Sa presyo naman ng kerosene o gaas, nasa P1.32 ang tapyas.

Inaasahang sa Martes ipatutupad ang oil price rollback. (Remate News Team)