Bigtime tulak, tiklo sa kalahating kilong shabu

Bigtime tulak, tiklo sa kalahating kilong shabu

January 28, 2023 @ 3:31 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nadakma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang isang bigtime tulak matapos na kumagat sa buy-bust operation kaninang umaga sa General Trias Cavite.

Kinilala ang nadakip na si Ebuka Ezike y Valentine, residente ng Governor’s Hill subd. PH-2 Biclatan General Trias 4107 Cavite.

Base sa ulat, pasado alas-9 ng umaga nang isagawa ang drug operation sa mismong tahanan ng suspek.

Isang ahente ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na inaresto si Ezike.

Nakumpiska mula sa suspek ang kalahating kilong shabu, 1 carton box na naglalaman brownish substance granules, transparent plastic bag na naglalaman na brown powder, 1 plastic basin na may laman na weighing scale, plastic bags, gunting, 1 laptopp, 3 cellular phone at apat na identification card.

Nakapiit na si Ezike na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.Ā Jan Sinocruz