Bigyan ng leksyon: Rebeldeng anak, dinala ng magulang sa isla

Bigyan ng leksyon: Rebeldeng anak, dinala ng magulang sa isla

July 14, 2021 @ 5:16 PM 1 year ago


CHINA – Nakagugulat na balita ang inilabas ng isang Chinese company kung saan  natagpuan ng mga mangingisda ang 13 anyos na babae sa isang isla na umano’y mismong magulang nito ang nagdala upang turuan ng leksyon.

Nitong weekend, naiulat ng mga mangingisda sa opisyal ng Weihai City,  Shandong Province sa China tungkol sa isang batang babae sa isang maliit na isla na hindi kalayuan sa baybayin.

Ayon sa mga mangingisda, dinala ito sa isla ng kaniyang mga magulang at nagmamakaawa na tulungan siyang maibalik sa baybayin.

Batay sa salaysay ng otoridad, ang pagdadala sa isla at matutong mamuhay mag-isa rito ang paraan ng mga magulang ng bata na bigyan ng leksyon ang rebeldeng anak.

Sa akalang matututo ang kanilang anak para maka-survive ay natuto pa itong tumakas at magmakaawa sa mga mangingisdang tulungan siyang makabalik sa  baybayin.

“I can’t stand it! They forced me to survive on this deserted island,” sabi ng batang babae ayon sa mangingisda.

 “We only have water and biscuits. They can’t even start a fire. Can you take me back to shore?”

Sa huli, hindi pa rin pumayag ang mga magulang ng batang babae na iuwi ito dahil ayon sa mga ito ay handa sila sa lahat ng mga kailangang gamit at maging ang pagkakaroon mg survival expert ay mayroon sila.

Muling iginiit ng mga magulang nito na ito ay upang bigyan ng leksyon ang anak nila. Yna de Luna (trainee)