China – Isang biik na may mukha ng tao ang isinilang sa bansang China.
Ang bizarre footage ng nasabing biik ay nakunan ilang saglit nang isilang ang hayop ng kanyang ina.
Sa clip ng video na sinasabing kuha sa Jiangmen City sa Guangdong Province noong Hunyo 28, makikitang hawak ng may-ari ang piglet para ipakita ang hitsura nito.
Makikita rin sa video ang pagbukas-sara ng bibig ng biik, tanda na siya ay naghahabol ng paghinga.
Sinasabing sinikap buhayin ang hayop na mukhang pero namatay rin makaraan ang dalawang araw.
Noong nakaraang sa bansang China rin ay isinilang ang isang biik na may iisa lamang mata at may “penis” sa noo. Namatay rin ito kalaunan. (Nats Taboy)