Bike na walang pedal, patok sa US

Bike na walang pedal, patok sa US

June 30, 2018 @ 4:35 PM 4 years ago


May dalawang gulong, may handlebar at may linear-pull brakes. Pero hindi ito bike? Dahil wala itong pedal!

Isa itong glide cycle na katulad lang din ng isang bisekleta. Tinawag itong glide dahil kailangan mong mag-‘glide’ o yung humakbang na parang nasa ere.

Ang glide cycle ay inimbento ni Dave Vidmar para sa mga gustong tumakbo pero hindi kaya ng mga tuhod at binti.

Kakaiba ito kung iisipin kasi nga para kang sanggol na nasa walker pero patok ito sa Oregon, USA.

“This was a new take on personal transportation, something that revved up the metabolism while cashing in on what most of us miss … fun!” paliwanag ni Vidmar.

Naisipan ito ni Vidmar dahil sa mga nakita niyang nahihirapan sa pag-jogging sa mga park gaya ng mga overweight, mga matatanda na at mga may kapansanan.

Bukod sa glide cycle, tinawag din itong ‘painless run’ dahil para kang humahakbang sa ere at hindi na kailangan pang manakit ng iyong kasukasuan. (Remate News Team)