Bikini bod ni Anne sa nagyeyelong pool, nagpa-init sa social media

Bikini bod ni Anne sa nagyeyelong pool, nagpa-init sa social media

January 25, 2022 @ 11:06 AM 8 months ago


Finland, Europe – Ayaw patalbog ni Anne Curtis sa husband n’yang si Erwann Heusaff  na nagpalitrato na nakahiga sa snow sa Finland, na naka-shorts lang siya. Nagpalitrato naman ang aktres na naka-bikini habang nakatayo sa bathtub at nakatanaw sa labas.

Pero hindi si Erwann ang tinatanaw n’ya at hindi rin naman ang anak nilang si Dahlia.

Ang tinatanaw n’ya ay ang snow-covered landscape ng Finland. Ipinost ni Anne sa Instagram ang litrato n’ya na malamang ay si Erwann ang kumuha.

“Friday [chill],” simpleng pahayag ng aktres sa caption.

Bilib na bilib naman ang fans n’ya sa ‘di n’ya pag-inda sa nagyeyelong lamig.

Bulalas ni @gwennieful (un-edited): “Ako nilalamig sayo mare, ahon jan!”

Birada naman ng isang @jhoannacurtis: “I wonder how you’re able to still be this pretty, chill, and calm amidst the cold!!!! (super [hot amid] the coldness, ate [Anne Curtis]).”

Papuri naman ni @shermae10: “So pretty and sexy!!! Love you Ate [Anne Curtis]. ‘Yung I have to look so kalma sa picture pero deep inside [cold face emoji].” Danny Vibas