Bikol, red alert na sa Super Typhoon Karding

Bikol, red alert na sa Super Typhoon Karding

September 25, 2022 @ 12:54 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isinailalim sa red alert ang buong Bicol Region bilang paghahanda sa magiging epekto ng Super Typhoon Karding.

Ayon kay Claudio Yucot, Office of Civil Defense – Bicol chief, inalerto na nila ang Emergency Operation Centers upang masiguro na matututukan nito ang mga pangangailangan dulot ng bagyo.

Inabisuhan na rin ni Yucot ang lahat ng local disaster officials na ilikas na ang mga residente na naninirahan sa mga high-risk areas na patuloy pa ring naipatutupad ang mga health and safety protocol kontra COVID-19.

Sa ulat naman ni OCD Bicol spokesperson Gremil Alexis Naz, mayroon nang 571 na mga pasaherong stranded sa iba’t ibang pantalan sa Bicol. RNT/JGC