Biktima ng human rights sa Pinas, hirap pa rin sa hustisya – UN

Biktima ng human rights sa Pinas, hirap pa rin sa hustisya – UN

September 14, 2022 @ 8:35 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Hirap pa rin umano na makamit ang hustisya ng mga biktima ng human rights sa Pilipinas.

Ito ang lumabas sa ulat ng United Nations nitong Martes, Setyembre 13 na bahagi ng hakbang ng Human Rights Council upang mapangalaan ang domestic rights sa bansa.

“While implementation remains at an early stage, the initial progress has laid a solid foundation for future technical cooperation and capacity building. It is critical to maintain this momentum and commitment,” pahayag ng Office of the High Commissioner for Human Rights.

Sa kabila nito, nananatili umanong limitado ang access ng mga biktima sa hustisyang dapat nilang matamo.

“Institutional and structural shortcomings in law enforcement and the judiciary remained, despite efforts to address some cases. These shortcomings included limited oversight of human rights investigations, inadequate investigation capacity and inter-agency cooperation, limited forensic capacity and protracted judicial processes,” ayon sa ulat.

“Inadequate victim and witness support and protection and fear of reprisals also impacted victims’ engagement,” dagdag pa.

Hinimok naman ng OHCHR si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at ang bagong administrasyon na maglatag ng hakbang upang maprotektahan ang mamamayan at maipaglaban ang kanilang karapatan. RNT/JGC