Biktima ng human trafficking nasagip ng BI sa Pampanga

Biktima ng human trafficking nasagip ng BI sa Pampanga

September 15, 2021 @ 8:06 AM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines — Naharang ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong babaeng hinihinalang biktima ng human trafficking na papunta sanang United Arab Emirates sa Clark International Airport (CIA) sa Pampanga.

Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ng  Travel Control and Enforcement Unit, naharang ang mga pasahero noong Biyernes.

Sinabi pang nagpanggap na turista ang mga babae at kinalaunan ay inamin na magtatrabaho sa UAE.

Ang tatlo ay may valid na UAE tourist visas at return tickets upang maipakita na sila ay magbabakasyon lamang sa Dubai.  RNT/FGDC


  •  
  •  
  •