Biktima ng salvage, umalingasaw sa Ermita, Maynila

Biktima ng salvage, umalingasaw sa Ermita, Maynila

March 31, 2022 @ 5:19 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakabalot pa sa tela nang matagpuan ang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki  sa Ermita, Maynila ngayong hapon ng Huwebes, Marso 31.

Sa ulat kay P/ Lt.Adonis Aguila , hepe ng Manila Police District- Homicide Section , nadiskubre ang bangkay dahil sa  masangsang na amoy na nagmumula sa gilid ng tulay sa may Uniliver Philippines sa Paco, Maynila.

Natuklasan ito ng lady guard ng nasabing kompanya kayat agad niyang ipinagbigay alam sa mga otoridad.

Nauna rito, binulatlat ng guwardiya ang kulay asul na tela at sako na inakalang patay na hayop lamang ang nakabalot.

Dito na tumambad sa kanya ang bangkay ng isang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden