Bilang ng aktibong kaso ng COVID sa Pinas, lampas 11K na

Bilang ng aktibong kaso ng COVID sa Pinas, lampas 11K na

July 8, 2022 @ 7:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Pilipinas noong Huwebes ng 1,936 na bagong kaso ng COVID-19 dahilan para maging 11,370 ang aktibong kaso.

Ito ang pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso sa isang araw pagkatapos ng 2,232 na naiulat noong Pebrero 18.

Ang mga aktibong kaso ay tumaas din mula sa 10,323 noong Miyerkules.

Dahil sa mga bagong kaso, umabot na sa 3,713,131 ang nationwide tally, batay sa pinakahuling numero na naiulat ng Department of Health (DOH).

Nakapagtala ang National Capital Region (NCR) ng 6,503 bagong kaso nitong nakaraang dalawang linggo, sinundan ng Calabarzon na may 2,688, Western Visayas na may 1,184, Central Luzon na may 1,029, at Central Visayas na may 611.

Mas maraming pasyente ang naka-recover mula sa COVID-19 nang tumaas ang recovery tally sa 3,641,136.

Iniulat ng DOH na tatlong nasawi kung saan umabot na ang kabuuang nasawi sa 60,625.

Sinabi ng Kagawaran na may kabuuang 5,868 na kama ang okupado, habang 23,334 ang bakante dahil bahagyang tumaas ang bed occupancy sa bansa sa 20.1% noong Martes, Hulyo 5.

Idinagdag nito na hindi bababa sa 20,052 na indibidwal ang nasuri, habang 319 na testing lab ang nagsumite ng data noong Hulyo 6.

Hindi naman bababa sa 20,052 na indibidwal ang nasuri, habang 319 na testing lab ang nagsumite ng data noong Hulyo 6. Jocelyn Tabangcura-Domenden