Bilang ng antigen self-test results mapasasama na sa COVID tally – DOH

Bilang ng antigen self-test results mapasasama na sa COVID tally – DOH

January 15, 2022 @ 9:16 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Maghahanda na ang Department of Health sa kanilang sistema na maisama ang resulta ng home-based antigen tests sa COVID-19 tally ng Pilipinas.

Umapela naman si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa publiko na gamitin ng tama ang antigen test upang makakuha rin ng ‘accurate’ na resulta.

“So sa ngayon po gusto lang natin ipaalam sa lahat let’s use the test appropriate time and appropriate use so that we be able to have accurate results and we can include sa reported cases natin so kasama po yan sa gusto nating gawin in the coming days,” ani Vergeire sa Palace briefing.

“Meron na tayong sineset up na sistema kung saan kahit po yung nasa bahay maari na pong maglog-in, ipapasok lang po nila yung gamit nila ng test at kung ano po yung kanilang resulta and these will be anonymized so that we can just get the numbers of those who are using antigen test.”

Dagdag pa ni Vergeire, inatasan na niya ng DOH ang local government units (LGUs) na magsumite ng report sa antigen testing buhat noong Delta COVID-19 variant surge.

“We have gathered our data from the start of April 2021 hanggang January 8, ang atin pong  total submissions pa lang na gumagamit ng antigen is 1,168,801, out of these more than 1 million use of antigen about 30% were positive, it is about 117,000,” dagdag pa ni Vergeire.

“And out of these 117,000, upon further review of our team only 30% was qualified as really confirmed positive because most of these used were used among asymptomatic screening and they were using it for screening individuals,” dagdag pa nito. RNT/FGDC