Bilang ng bumisitang turista sa Pinas, lampas na sa target – DOT

Bilang ng bumisitang turista sa Pinas, lampas na sa target – DOT

November 15, 2022 @ 2:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Tinatayang pumalo na sa mahigit na dalawang milyong biyahero na dumating sa Pilipinas ang naitala simula nang pinagaan ang border restrictions noong nakaraang Pebrero.

Sinabi ng Department of Tourism (DOT), ang nasabing bilang ay may katumbas na P100.7 billion  halaga ng kita sa sektor ng turismo.

Malinaw na nalagpasan na nito ang P4.94 billion  na naitala sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

Tinukoy ni DOT Secretary Christina Frasco sa isang kalatas, na may DOT report “as of November 14”, ang nagpapakita ng  kabuuang 2,025,421 byahero ang dumating sa bansa . Tinatayang 1,487,343 o 73.43%  nito ay foreign tourists, habang 538,078 o 26.57% ay  overseas Filipinos.

“Our latest figures have reached well beyond the 1.7 million tourist projections of the DOT,” ayon sa Kalihim.

Sumasalamin aniya ito sa “demand for travel sa bansa at ang pagbibigay-prayoridad sa tourism recovery ng gobyerno.

“We, therefore, must meet this with the continued implementation of enabling mechanisms that will convey not only the country’s openness to welcome more tourists, but also conduciveness to tourism business and livelihood opportunities for our fellow Filipinos,” aniya pa rin.

Idinetalye rin ni Frasco na ang share ng foreign tourist arrivals  ng Lions sa bansa mula sa Estados Unidos ay 385,121, sinundan ng South Korea, 285,583 at Australia 96,297. Kris Jose