Bilang ng college grads na kumukuha ng tech-voc courses, dumami

Bilang ng college grads na kumukuha ng tech-voc courses, dumami

December 10, 2022 @ 1:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Mas maraming Filipino college graduates ang kumukuha ng technical vocational education training (TVET) courses kabilang ang iniaalok ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang mag-apply sa employment opportunities sa ibang bansa.

Ayon sa ulat nitong Biyernes, napag-alaman sa pag-aaral sa Philippine Education Situationer: Challenges and Ways Forward na ang bilang ng college graduates na nag-enroll sa TVET noong 2018 ay mas mataas kumpara sa college undergraduates, at mula sa mga nakapagtapos ng high school at elementarya.

Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nakadepende sa bakanteng trabaho kung kukuha ng panibagong kurso ang aplikante. Nag-abiso rin ito sa mga estudyante na alamin angin-demand opportunities bago pumili ng field of study para sa kanilang tertiary education.

“In-demand courses na lumalabas is ‘yung sa digital economy,” ani DOLE Employment and Human Resource Development cluster Undersecretary Carmela Torres.

Dahil sa tumataas na demand para sa TESDA graduates, sinabi ng labor agency sna isinama nito sa TESDA curriculum ang pagtuturo ng “soft skills” o mga kakayahan na kinakailangan para sa managerial positions gaya ng tamang paghawak at komunikasyon sa mga empleyado. RNT/SA