Bilang ng COVID cases sa NCR, tumaas ng 15% – DOH

Bilang ng COVID cases sa NCR, tumaas ng 15% – DOH

December 13, 2022 @ 4:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Health (DOH) na may pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Sa press briefing, sinabi ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na tumaas ng 15% ang kaso sa rehiyon.

Dagdag pa ni Vergeire, nasa 460 na kaso ng COVID-19 ang naitatalang kaso sa NCR kada araw.

Sa kabila nito, nanatili pa ring low risk classification ang Metro Manila, gayundin ang iba pang rehiyon sa bansa kung pagbabasehan ang hospital admission.

Samantala, inihayag naman ng opisyal na nakitaan ng kaunting pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang buong bansa.

Sa kasalukuyan, nasa 1,181 na ang average daily cases ng Pilipinas, na mas mataas ng 6% mula sa nakalipas na linggo. Jocelyn Tabangcura-Domenden