Bilang ng enrollees para sa SY 2022-2023 lampas sa target; mga klasrum, kulang!

Bilang ng enrollees para sa SY 2022-2023 lampas sa target; mga klasrum, kulang!

August 23, 2022 @ 4:50 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pumalo na sa 28.7 milyon ang bilang ng mga naka-enroll na para sa School Year 2022-2023 nitong Martes, na lampas sa target na 28.6 milyon ng Department of Education (DepEd).

Hanggang kaninang alas-7 ng umaga, iniulat ng DepEd na ang kabuuang bilang ng enrolled students para sa kasalukuyang academic year ay 28,797,660.

Sa bilang na ito, 24,668,233 ay mula sa quick count ng Learner Information System, habang ang 4,129,427 ay mula sa early registration data.

Nakapagtala ang Calabarzon ng pinakamataas na bilang ng registrants na may 3,944,335, na sinundan ng Central Luzon na may 2,972,066, at ng National Capital Region na may 2,762,592.

Nagsimula ang enrollment period noong Hulyo 25 at natapos nitong Lunes o sa unang araw ng klase.

Samantala, naiulat din ng ahensya nitong martes ang kakulangan sa mga silid-aralan na aabot sa halos 40,000 sa buong bansa.

Sinabi ni Poa na ang kulang na 40,000 classrooms ay bumaba na mula sa nakaraang 91,000 classrooms na naiulat ni Education Undersecretary Epimaco Densing III noong Biyernes.

β€œWith the strategies implemented by most of our schools, we have lowered the shortage to around 40,000,” sabi ni Poa.

Isa sa mga hamon sa ilang paaralan sa pagbabalik ng face-to-face classes ang kakulangan sa silid-aralan.

Ang iba naman ay hinati ang mga silid sa dalawa, habang ang ilan ay nagpatupad ng blended learning upang tugunan ang overcrowding sa mga silid-aralan. RNT/SA