Bilang ng fireworks-related injury sa Pinas, 36 na – DOH

Bilang ng fireworks-related injury sa Pinas, 36 na – DOH

December 29, 2022 @ 1:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Apat pang bagong kaso ng fireworks-related injuries ang naitala mula kahapon, Disyembre 28, mula sa 61 na DOH sentinel hospitals.

Sa kasalukuyan, ang kabuuanmg bilang ng mga naputukan ay nasa 36 na, mas mataas ng 44% kumpara sa naitala noong nakaraang taon sa nasabing petsa.

Muli namang nagpaalala ang DOH na umiwas sa paputok para maaaring magdiwang nang kumpleto at ligtas ang buong pamilya ngayong Yuletide season.

Sakali namang maputukan ay agad linisin ng tubig at kung malubha ay agad magtungo sa ospital o malapit na health centers upang maiwasan ang mas malubha pang impeksyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden