Bilang ng ‘food-poor families’ noong May 2021 pareho lang noong Nov. 2020 — SWS

Bilang ng ‘food-poor families’ noong May 2021 pareho lang noong Nov. 2020 — SWS

July 10, 2021 @ 9:39 AM 1 year ago


Manila, Philippines — Walang nagbago sa bilang ng mga naghihirap sa pagkain sa datos noong Nobyembre 2020 at ngayong Mayo 2020, batay sa Social Weather Stations (SWS).

Sinabi ng grupo na noong May 2021, 32% ng respondents ang nagsabing sila ay ‘food-poor’; 45% ang nagsabing ang kanilang pagkain ay nasa ‘borderline poor’; at 23% ang nagsabing hindi sila naghihirap sa pagkain.

Iniulat na sa datos noong Nobyembre 2020, 31% ang ‘food-poor’; 47% ang nasa ‘borderline food-poor’; at 22% ang nagsabing sila ay nasa food-poor category.

“Metro Manila is the only area where Not Food-Poor families fell, down by 17 points, parallel to a sharp decrease in Borderline Food-Poor families,” lahad ng SWS.

“In Balance Luzon, the Self-Rated Food-Poor, Borderline Food-Poor, and Not Food Poor are 25%, 42%, and 33%, respectively, in May 2021 compared to 25%, 47%, and 28% in November 2020.  In the Visayas, the Self-Rated Food-Poor, Borderline Food-Poor, and Not Food-Poor are 35%, 53%, and 12%, respectively, in May 2021 compared to 39%, 50%, and 11% in November 2020.”

Sinabi rin ng respondents na ang minimum na halaga kada buwan para sa self-rated food poverty threshold (SRFP threshold) sa pagkain ay nananatili sa P7,000.

 “In Balance Luzon, the median SRFP Threshold rose to P8,000 (from P7,000) while the median Gap stayed at P3,000.  In the Visayas, the median SRFP Threshold fell to P5,000 (from P8,000) while the median SRFP Gap fell to P2,500 (from P4,000),” paliwanag pa ng SWS.

“In Mindanao, the median SRFP Threshold stayed at P5,000 while the median SRFP Gap rose to P3,000 (from P2,500).” RNT/FGDC