Bilang ng ‘jobless’ Pinoy pumalo sa 2.93M noong Mayo – PSA

Bilang ng ‘jobless’ Pinoy pumalo sa 2.93M noong Mayo – PSA

July 7, 2022 @ 3:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Bahagyang tumaas ang bilang ng mga Pilipino walang trahabo noong Mayo sa 2.93 milyon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes.

Sa isang press briefing, iniulat ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na ang unemployment rate sa nabanggit na lugar ay nasa 6 porsyento, mas mataas kumpara sa pandemic low na 5.7 porysento noong Abril.

Sa aktwal na bilang, mas mataas ang bilang ng unemployed adults edad 15 pataas noong Mayo kumpara sa 2.76 milyong jobless individuals noong Abril.

Samantala, ang top 5 sub-sectors sa lebel ng month-on-month drop sa employment mula Abril hanggang Mayo ay ang mga sumusunod:

  • Agriculture and forestry (-733,000)

  • Public administration and defense; compulsory social security (-159,000)

  • Arts, entertainment and recreation (-109,000)

  • Education (-95,000)

  • Professional, scientific, and technical activities (-51,000). RNT/SA