Bilang ng kaso ng obesity, mabilis ang pagtaas – study

Bilang ng kaso ng obesity, mabilis ang pagtaas – study

May 13, 2019 @ 7:51 PM 3 years ago


US – Mas mabilis na ang pagtaas ng bilang ng kaso ng obesity sa buong mundo.

Ito ang lumalabas sa bagong pag-aaral mula sa 200 bansa sa loob ng 1958 hanggang 2017.

“The results of this massive global study overturn commonly held perceptions that more people living in cities is the main cause of the global rise in obesity,” ayon sa senior author ng naturang pag-aaral na si Majid Ezzati, professor sa Imperial College London’s School of Public Health.

 “This means that we need to rethink how we tackle this global health problem.”

Lumalabas din na mas mabilis ang pagbigat ng mga kababaihan karamihan sa mga siyudad.

Ang obesity ay isa nang global health epidemic na nagiging sanhi ng mga sakit sa puso, stroke, diabetes, at dahilan din ng cancer.

Ginagamit ng mga eksperto ang standard measure na ‘body mass index’ o BMI na nakabase sa tangkad at bigat ng isang tao.

Ang isang normal na BMI ay kinakailagnang nasa pagitan lang ng 18.5 hanggang 24.9. Makokonsidera nang overweight ang isang tao kung ang BMI niya ay nasa 25 pataas.

Habang obese naman kung lalampas sa 30 ang BMI.

Nasa 2 bilyon ng mga taong nasa tamang edad ang naitalang overweight habang 30 perocent dito ay obese. Triple ito sa bilang ng mga obese na tao noong 1975. (Remate News Team)