Bilang ng makapapasok sa ilang establisimyento, dine-in resto sa NCR+ dadagdagan

Bilang ng makapapasok sa ilang establisimyento, dine-in resto sa NCR+ dadagdagan

May 31, 2021 @ 9:43 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Dadagdagan pa ang bilang ng mga maaaring pumasok sa mga restkainan at personal care establishments partikular ang beauty salon sa National Capital Region (NCR) Plus Bubble simula Hunyo 1.

Batay sa bagong patakaran, papayagan na ang kapasidad nito hanggang 40 porsiyento.

May karagdagang sampung porsyento kung makakukuha sila ng safety seal sa Department of Trade and Industry at Department of the Interior and Local Government.

“‘Yung ginagawa nating operating capacity kailangan gradual kasi we are considering the new variants here… Obserbahan muna natin ‘pag maganda compliance, it will give us confidence na mag-adjust muli upwards,” saad ni Trade Secretary Ramon Lopez.

Dahil dito, umaasa si Lopez na mababawasan ang bilang ng mga nawalan ng trabaho dahil sa mas pinalaking kapasidad.

Samantala, papayagan na rin sa Hunyo ang 30 porsiyentong kapasidad sa mga lugar na ginagamit para sa meeting conference at exhibition halls. RNT/FGDC