Bilang ng mga barangay na idineklarang may leptospirosis outbreak, nadagdagan pa

Bilang ng mga barangay na idineklarang may leptospirosis outbreak, nadagdagan pa

July 7, 2018 @ 10:38 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Nadagdagan pa ang mga barangay na idineklara ng Department of Health (DOH) na may Leptospirosis outbreak.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na mula sa 18, umabot na sa 22 na barangay ang may outbreak.

Aniya, apat na barangay sa Caloocan City ang nadagdag kung saan nakapagtala pa ng tatlong kaso ng sakit sa barangay 176 sa naturang lungsod.

Unang idineklara ng kagawaran ang Leptospirosis outbreak sa pitong lungsod sa Metro Manila noong Huwebes, July 5.

Ang Leptospirosis ay impeksyon na nakukuha sa ihi ng mga hayop, gaya ng daga.

Paliwanag ng kalihim, idinideklara ang outbreak sa isang lugar kung lalagpasan ang karaniwang bilang ng mga kaso sa huling limang taon.

Hiniyakat naman ni Duque ang mga local na pamahalaan na paigtingin pa ang rodent controlat flood control sa kanilang mga area at istriktong ipatupad ang pangongolekta ng basura sa mga lugar. (Remate News Team)