Bilang ng mga bus na bumibiyahe sa Edsa Carousel, binawasan ng LTFRB

Bilang ng mga bus na bumibiyahe sa Edsa Carousel, binawasan ng LTFRB

January 3, 2023 @ 6:24 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Binawasan ang bilang ng mga bus sa Edsa Carousel sa 550, balik sa regular na kabuuang bilang ng units bago ang implementasyon ng “Libreng Sakay” program, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Martes.

Base sa LTFRB, nagdagdag ng temporary buses sa operasyon ng busway sa free ride program dahil sa holiday rush. Natapos ang “Libreng Sakay” program noong December 31, 2022.

“Resolved, the reduction of the number of units serving the busway from seven hundred fifty-eight (758) units to five hundred fifty (550) units starting January 1, 2023,” ayon sa resolusyon na nilagdaan ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III.

Subalit, nilinaw ng LTFRB na binabantayan pa rin nito ang bus demand sa bus loop.

“Continue ang monitoring ng LTFRB para makita kung yong original na 550 units ba ay tama na or kulang ba talaga para ma address agad,” mensahe ng LTFRB.

Sakaling kulangin ang mga bus, inihayag ng LTFRB na pwede itong magdagdag ng sapat na bilang ng units sa Edsa Carousel, hindi lamang pansamantala. RNT/SA