Bilang ng mga lalaking namamatay sa skin cancer, tumaas!

Bilang ng mga lalaking namamatay sa skin cancer, tumaas!

November 5, 2018 @ 8:56 AM 3 years ago


 

Paris – Umarangkada ang bilang ng mga namamatay na lalaki dahil sa skin cancer mula sa mayayamang bansa simula noong 1985 habang ang mortality rates ng mga babae ay patuloy namang bumababa, ayon sa mga researcher sa medical conference sa Glasgow nitong Linggo.

Ang rason sa magkasalungat na datos sa dalawang kasarian ay hindi pa tukoy ngunit mayroong mga ebidensiyang nagsasabing ang mga lalaki kasi ay hindi masyadong gumagamit ng proteksyon sa araw at madalang din pumansin ng mga paalala, ayon kay lead researcher Dorothy Yang, isang doktor mula sa Royal Free London NHS Foundation Trust sa London.

Mahigit 90% ng melanoma cancer ay dulot ng pagkasira ng skin cell mula sa pagbilad sa araw o iba pang sources ng ultraviolet (UV) radiation gaya ng tanning beds, ayon sa US Centers for Disease Control (CDC).

Walo sa 18 na bansang sinuri ang nakitaan ng pagtaas ng bilang ng mga namamatay na lalaki dahil sa skin cancer ng halos 50% sa nakalipas na tatlong dekada.

Sa dalawa pang pang bansa, Ireland at Croatia, dumoble pa ang bilang nito.

Gayundin, nakitaan din ng malakihang pagtaas ng pagkamatay ng mga lalaki dahil sa skin cancer sa Spain at Britain (70 percent), The Netherlands (60 percent), pati na sa France at Belgium (50 percent).

Sa United States, hindi kasama sa pag-aaral, ang pagkamatay ng mga lalaki dahil sa skin cancer ay umakyat din ng 25%, ayon sa tala ng SCD./Remate News Team