Bilang ng mga namatay sa HIV/AIDS sa Pinas, tumaas

Bilang ng mga namatay sa HIV/AIDS sa Pinas, tumaas

July 4, 2018 @ 2:56 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Pumalo na sa mahigit 100 ang naitalang namatay dahil sa  HIV/AIDS sa bansa sa unang apat na buwan.

Sa datos ng Department of Health (DOH) nasa 139 na ang kabuuang namatay kung saan 66 dito ang namatay lamang nitong buwan ng Abril.

Nakapagtala naman ang DOH ng kabuuang 3,730 bagong kaso ng HIV mula Enero hanggang Abril 2018.

Ang 3,553 ay pawang mga lalaki habang babae naman ang 177 na tinamaan ng naturang sakit.

Mula naman sa Metro Manila ang 32% na mga bagong kaso, 17% sa Calabarzon at 10% sa Central Luzon, 9% sa Central Visayas habang nasa 7% lamang ang naitala sa Region 11.

Ang dahilan ng malaking porsyento ng pagkamatay ng mga lalaki ay ang pakikipagtalik sa kapwa lalaki.

Mula edad 15 hanggang 34 naman ang mga namamatay sa naturang sakit. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)