Bilang ng mga nasawi sa Abra quake, 10 na – NDRRMC

Bilang ng mga nasawi sa Abra quake, 10 na – NDRRMC

July 30, 2022 @ 11:30 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes na nakatanggap ito ng ulat na pumalo na sa 10 ang bilang ng mga nasawi sa lindol, kasunod ng pagkaka-rekober sa apat pang biktima na nauna nang naiulat na nawawala.

Inilahad ni Mark Timbal, NDRRMC spokesperson, na nakuha ang mga katawan sa Abra.

“We are just waiting for the official report containing the identities and other details of the deceased,” pahayag ni Timbal.

Sa kasalukuyan ay lima na ang nakumpirmang pagkasawi ng NDRRMC– kapwa mula sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Nakasailalim pa sa balidasyon ang isang pagkamatay na naiulat sa Ilocos Sur at ang apat na nahukay sa Abra.

Sa 116 sa listahan ng mga nasugata, 115 ay mula sa CAR at isa ang mula sa Cagayan Valley. RNT/SA