Bilang ng mga Pinoy na nakaranas ng ‘involuntary hunger’ bumaba – sarbey

Bilang ng mga Pinoy na nakaranas ng ‘involuntary hunger’ bumaba – sarbey

September 11, 2022 @ 9:45 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Kaunti na lamang ang bilang ng pamilyang Pilipino ang nakaranas ng  involuntary hunger sa  second quarter ng 2022.

Ito ang nakasaad sa ipinalabas na resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) survey,  ngayong Linggo.

Ang nationwide survey  ay isinagawa noong  Hunyo 26 hanggang 29, sa1,500 respondents kung saan lumabas na 11.6% ng  pamilya Pilipino o  2.9 milyong pamilya ang  nakaranas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan.

“This is lower than the 12.2 percent or 3.1 million families that felt involuntary hunger in the April 2022 survey, and 0.2 points below the 11.2 percent or 3 million households in the December 2021 survey, ” ayon sa SWS.

Ang involuntary hunger ayon sa SWS ay  “being hungry and not having anything to eat at least once in the past three months.”

Magkagayon man,  sinabi ng SWS  na “the latest figure is still 2.3 points above the pre-pandemic annual average of 9.3 percent in 2019.”

“Hunger eases in Metro Manila, Visayas; rises in Mindanao, Balance Luzon,” ayon sa SWS.

Tinukoy pa ng SWS  na ang karanasan ng pagkagutom ay mataas sa Kalakhang Maynila na may 14.7% ng pamilyang Pilipino, sumunod ang  Mindanao na may 14%  Balance Luzon o Luzon sa labas ng Kalakhang Maynila na may 11.9% at Visayas na may 5.7%.

“The 0.6-point decline in overall hunger between April 2022 and June 2022 is due to declines in Metro Manila and the Visayas, combined with increases in Mindanao and Balance Luzon,” ayon pa rin sa SWS.

Idagdag pa, sinabi ng SWS  na ang  11.6%  hunger rate nito lamang June 2022  ay kabuuan ng 9.4 % o 2.4  milyong pamilya na nakaranas ng “moderate hunger” at  2.1% ng 546,000 pamilya na nakaranas ng “severe hunger.”

Ang moderate hunger ay tumutukoy sa  mga nakararanas ng pagkagutom, “only once” or “a few times” sa nakalipas na tatlong buwan  habang ang  severe hunger ay tumutukoy naman sa mga taong nakararanas ng pagkagutom ng madalas o palagi sa nakalipas na tatlong buwan.