Bilang ng mga sasakyang gumagamit sa Skyway Stage 3, kumonti

Bilang ng mga sasakyang gumagamit sa Skyway Stage 3, kumonti

July 14, 2021 @ 10:57 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nabawasan ang mga motoristang dumaraan sa Skyway Stage 3 simula nang umpisahan ang paniningil ng toll.

Ayon kay Skyway Operations and Maintenance Corp. president at CEO Manuel Bonoan, noong Lunes, nasa 60,000 sasakyan na lamang ang dumaan, mas mababa sa average na 100,000 sa loob ng pitong buwang toll-free pa ang skyway.

Pero kumpiyansa si Bonoan na babalik din ang mga sasakyan sa Skyway 3.

“It takes time, but it will return. I’m sure that our traffic will go back to that level of 100,000 until such time that the other routes become congested,” ani Bonoan

“I’m sure they will go back because travel is much faster when you use the Stage 3.”

Dahil sa Skyway 3, aabutin na lamang ng 20 minuto ang travel time sa pagitan ng Makati at North Luzon Expressway habang 30 minuto sa pagitan ng Alabang hanggang sa NLEX. RNT


  •  
  •  
  •