Bilang ng mga stranded sa mga pantalan, bumaba

Bilang ng mga stranded sa mga pantalan, bumaba

July 18, 2018 @ 1:27 PM 5 years ago


Manila, Philippines –Bumaba na sa 183 ang  bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan dahil sa Bagyong Henry.

Sa update ng Philippine Coast Guard (PCG) kaninang alas-8 ng umaga, pinakamarami ang naistranded sa Pasacao Port sa Camarines Sur na may bilang na 75.

Pinakaunti naman ang sa Brook’s Point sa Palawan na may 19 na pasahero.

Habang sa Coron ay nasa 38 na pasahero ang stranded at 51 naman sa El Nido.

Patuloy ang ginagawang monitoring ng PCG sa mga pantalan lalo na’t may bagong bagyong binabantayan sa karagatan.

Pinayuhan din ang publiko na maging mapagmatyag sa kanilang mga paligid at tiyaking nasa ligtas silang kalagayan at huwag magpupumilit na pumalaot kapag ganitong malakas ang buhos ng ulan upang maiwasan ang anumang aksidente. (Remate News Team)