Bilang ng mga stranded sa mga pantalan, nadagdagan pa – PCG

Bilang ng mga stranded sa mga pantalan, nadagdagan pa – PCG

September 25, 2022 @ 4:34 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa kabuuang 2,519 mga pasahero, drivers at cargo helpers ang hindi na pinayagang makabiyahe dahil sa Super Typhoon Karding.

Sa pibakahuling update ng PCG ngayong alas-2 ng hapon, stranded din ang 39 rolling cargoes,18 vessels at 15 pang motorbancas.

Nasa ligtas na lugar upang magkubli ang 71 pang vessels at 35 motorbancas sa Southern Tagalog at Bicol region.

Sa Southern Tagalog, 748 indibidwal, drivers, helpers at 9 motorbancas ang
stranded habang 1,601 naman sa Bicol region. Jocelyn Tabangcura-Domenden