BILANG NG NAGKAKA-COVID SA PILIPINAS AABOT SA 1M 

BILANG NG NAGKAKA-COVID SA PILIPINAS AABOT SA 1M 

April 8, 2021 @ 1:14 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

POSIBLE nga bang umabot sa isang milyon ang mga nagkaka-COVID sa Pilipinas?

Ito’y kung magpatuloy ang pananalasa ng coronavirus disease 2019 sa buong Metro Manila at iba pang mga karatig na lalawigan kapag tuluyang hindi masugpo ang pagdami nito.

Ayon sa Research Group, malamang sa malamang ay papalo sa mahigit 1 milyon ang magiging kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas bago matapos ang buwan ng Abril (‘wag naman po sana!).

E, mismo nga ang OCTA Research Group na ang nagbabala na posibleng pumalo ito hanggang sa isang milyon sa buong Metro Manila pero hanggang sa June.

Imagine, pumalo kamakailan sa mahigit 15,000 ang kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw lang.

Well, sa totoo lang ito na po ‘yung pinakamataas na bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa OCTA, simula nang magkaroon ng pandemya.

 Sa mga nakikitang bilang ni OCTA Mathematics Prof. Guido David, panigurado raw na mahihirapan itong pababain agad dahil sa momentum ngayon na lalo pang tumataas.

Sa totoo lang, tama si Prof. David sa kanyang prediction na dapat ay isentro muna ang pagbabakuna sa Metro Manila dahil ang rehiyon nga naman na ito ang itinuturing na sentro ng pandemya.

Kung magpapatumpik-tumpik pa ang gobyerno ay baka mahirapan nang mapigilan ang pagdami.

Kaya naman muling isinailalim sa Enhanced Community Quarantine ang buong Metro Manila at ilang karatig na lalawigan nito dahil sa hindi na mapigilan ang pagdami ng mga nagkaka-COVID.

 Alam ninyo, bay, sa totoo lang ang Pilipinas napag-iiwanan pagdating sa pagsugpo sa COVID-19 dahil sa raming epal o ‘yung bang mga pumapapel na kung ano-ano ang mga pinagsasabi na hindi naman nakababawas sa problema sa pagsugpo sa pandemya.

Kaya tuloy ang Pilipinas ay palaging kulelat pagdating sa pagsugpo sa mga ganitong problema ganong ‘yung ibang mga bansa ay halos kalahati ng bilang ng kani-kanilang populasyon ay pawang nabakunahan na.

E, sa Pilipinas ay mukhang wala pa yata sa 1/3 ang nababakunahan dahil ‘yung mga gamot na gagamitin sa pagbabakuna ay jutay-jutay (‘yung bang unti-unting) idinidiliber, gaya na lang ng AstraZeneca para sa mga senior na halos ilan lang ang nabakunahan, habang ‘waiting’ pa ‘yung ibang senior.

Ganon na lang talaga, maghihintay na lang tayo!!!

BOOKIES SA LAGUNA

Sa gitna ng patuloy na pananalasa ng coronavirus sa buong mundo ay patuloy naman ang pag-o-operate ng mga bookies ng STL bookies operator kahit may pandemya.

Katulad nitong si alyas Cueto na sinasabing may pinakamalaking pa-bookies sa Sta.Maria at Bae na hindi man lamang kumikilos ang mga otoridad para paghuhulihin ang mga iligal na pasugalan ni Cueto.

Maging ang bookies ng STL ni Temy ay namamayagpag sa bayan ng San Pablo at mayroon din sa Majayjay at Liliw Laguna.

Ang tanong bakit hindi kumikilos si Laguna Gov. Ramil Hernandez?

Bakitttt???

oOo

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]


  •  
  •  
  •