Bilang ng nahahawa umaalagwa…3 tumba sa Valenzuela, 1 sa Malabon

Bilang ng nahahawa umaalagwa…3 tumba sa Valenzuela, 1 sa Malabon

July 22, 2021 @ 11:35 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Tatlo ang patay sa Valenzuela dahil sa COVID-19 nitong Hulyo 21, habang isang COVID patient naman ang binawian ng buhay sa Malabon.

Bunsod nito, umakyat ang pandemic fatalities ng Valenzuela City, habang sumirit sa 301 ang active cases matapos na 43 ang magpositibo sa virus at 12 lamang ang gumaling.

Sumampa na sa 21,255 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 20,405 na ang gumaling.

Samantala, umakyat naman sa 458 ang COVID death toll sa Malabon City.  Maliban dito, 40 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 13,744 na ang positive cases sa siyudad, 99 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Baritan (3), Concepcion (6), Flores (2), Hulong Duhat (2), Longos (11), Potrero (4), San Agustin (1), Santulan (6), Tañong (3), Tinajeros (1), at Tonsuya (1).

Sa kabilang banda, 19 na pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangay Baritan (1), Concepcion (1), Maysilo (1), Niugan (1), Santulan (1), Tinajeros (6), Tonsuya (6), at Tugatog (2). Sa kabuuan ay nasa 13,187 ang recovered patients ng Malabon.

Huli namang naitalang 167 ang active COVID cases sa Navotas matapos na pito ang mahawaan at 16 ang makarekober.  Pumanhik na sa 11,282 ang nasapul ng pandemya sa fishing capital, at sa naturang bilang ay 10,737 na ang nakarekober, habang hindi nadagdagan ang 378 na namatay.

Wala pang inilalabas na COVID-19 case update ang Caloocan City habang isinusulat ito. Merly Iral


  •  
  •  
  •