Bilang ng namamatay sa COVID-19 sa Pinas bumababa na – DOH

Bilang ng namamatay sa COVID-19 sa Pinas bumababa na – DOH

May 2, 2022 @ 2:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Bumababa na ang naiitalang mga namamatay dahil sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Lunes.

Tinanong si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kung bakit marami pa rin ang nasasawi sa COVID-19.

“Dito po sa mortality rate ng COVID, pababa na po nang pababa ang pagkakamatay dito sa ating bansa, in terms of COVID-19,” tugon naman niya.

“Actually po, ‘pag kinumpara ho natin ‘yung atin pong datos ng deaths from the previous nung January, March, mababa na ho,” patuloy ni Vergeire.

Ipinaliwanag ni Vergeire na ilan sa mga naiuulat na pagkamatay ay ilang buwan na ang nakalilipas na ngayon pa lamang naidaragdag sa kasalukuyang datos.

“‘Pag nakita kasi natin ang ating death data, ito po ay pinaghalo-halo, nami-mix po ‘yun pong mga ibang buwan na pagkakamatay dito po sa current na nire-report natin because of the validation being done by the local governments po. Kaya po minsan ganu’n po ang ating nakikitang deaths du’n sa ating mga reports,” giit niya.

Hanggang nitong Linggo, naitala sa Pilipinas ang 60,397 bilang ng namatay sa nabanggit na virus. RNT/SA